Important lesson I learned Kay Manong Konduktor

I’m sure nakasakay kana ng bus sa tanang buhay mo at tuwing sasakay tayo ng bus eh I’m sure merong isang napaka sipag na conductor ng bus na sumisigaw para magtawag ng pasahero.

Every bus stop makikita mo yung sigasig ng mga conductor para sumakay yung mga pasahero sa kanila pagandahan at pagalingan sila ng boses di ba? Hehehe

Tapos pag nakasakay na yung mga pasahero dun na sila magsisimulang mag ikot at maningil ng pamasahe at bilib na bilib talaga ako sa mga taong to.

Nung pauwi nako galing church Sunday service usually I ride a bus from Pasay going to Cavite , ewan ko bigla na lang na shift ang attention ko dun kay manong conductor at pinagmamasdan ko yung ginagawa nya.

Hey! Let me clarify this! Hindi ko first time makakita ng conductor ah?? Haha , ewan ko ba nung time na yun bigla na lang nakuha yung attention ko ng conductor ng bus na sinakyan ko.

Para kasi syang may calculator sa ulo ang bilis nya kasing magbigay ng ticket, at bilib na bilib ako sa kanya kasi alam mo yun kahit hindi nakatingin sa ticket eh sakto yung yung number na binubutas nya para sa rate ng pamasahe.

Minsan nga no look pa habang nagtatanung sya sa pasahero kung saan sila, hay grabe sa tagal kong sumasakay ng bus ngayon ko lang na realize yung art ng ginagawa nila!

Kung tutuusin mahirap yung ginagawa nila eh kase kung ako gagawa nun? Ay malamang magbabaan ang pasahero sa sobrang tagal kong magbigay ng ticket! Hahahahah joke lang! Baka nasa last station na ang bus andun pa ren ako sa bandang unahan ng bus!

Pero I’m sure nung naguumpisa sila hindi sila ganun kagaling and I’m sure na nagkamali din sila ng maraming beses bago nila nakuha yung excellence na yun para maging isang effective na conductor.

Baket ko to kinukwento sayo?

Alam mo marami sa atin pag nag-simula ng isang bagay maybe it’s a business venture, maybe it’s a job or maybe related sa health mo and in your relationship sa umpisa I’m sure may mga struggle kang pag dadaanan right?

Most people are good starters BUT bad finishers! Marami sa atin pag nagkamali na at nahirapan na ay susuko na at bibitawan na yung ginagawa nila

Ayaw na nila kasi nahirapan na sila, walang nakikitang progress or parang imposible. alam mo na-realize ko in life for you to become successful you have to be a good finisher and you need to hold on at kapag may sinimulan kana tapusin mo!

Try and try until you succeed, when you fall, stand up. Don’t give up hanggang maging expert at master ka sa ginagawa mo.

Dahil the mother of all learning is repetition! Pag paulit ulit mo ng ginagawa ang isang bagay papasok na yan sa iyong habit at magiging automatic na lang sayo lahat na akala mo na mahirap ay magiging madali na lang sayo.

Katulad ng pagawa ko ng blogs and article, alam mo ba nung naguumpisa pa lang ako ay sobrang nahihirapan talaga ako at hindi ko alam anu ba yung article na gagawin ko at panu ko ito sisimulan.

Pero anu ang ginawa ko? I tried and tried and tried! Until pumasok na sya sa system ko at naging habit ko na sya at alam mo yun bigla na lang merong pumapasok na idea sa utak ko and I started writing it.

Kaya nga ako nakagawa ng article tungkol sa mga conductor eh kase sobrang nabilib talaga ako sa husay nila sa ginagawa nila and I really honor them because it is a noble job!

Maybe nahihirapan ka ngayon sa ginagawa mo at hindi mo na alam gagawin mo, I want to encourage you at gusto ko sabihin sayo na okay lang yan!

Ganyan lang talaga sa umpisa. Tuloy tuloy ka lang because I believe in you and with God’s grace you will achieve your dreams basta wag ka lang susuko!

 

Praying For You Always,

-Adrian Milag

 

PS.I’m going to teach you how to be wealthy over time. To know How To Make Millions Through The Stock Market,Click here now

PS1. Pano naging milyonaryo ang isang Teacher, Waiter, OFW, Tambay at Undergrad. Alamin kung anong sikreto nila at kung pano mo sila magagaya .Click here now

PS2You are invited to attend Feast Imus Every Sunday Holy mass @9am (Robinson’s Activity Area) Praise, Worship and Talk @ 10am.We are located at Robinson’s Place – Imus Cinema 6.. ADMISSION IS FREE! Click here now for more info

Facebook Comments

About The Author

One Response

  1. louphilipp October 17, 2018 Reply

Leave a Reply